Alam ko marami na tayong napapanood na ganitong commercials lalo na sa Pond's facial wash. Yung pag nagririnse na ng muka after washing your face with facial wash. Pinapakita sa commercials, get a handful water and splatter it on your face without any contact from your hands and face. Just the water-face contact. take note. all over your face while wearing a shirt.
Aba ako pag naghihilamos sa gabi nakatuwad ako sa lababo kasi mababasa ang damit ko. Aba itong mga ito sa commercial, straight na nakatayo tapos tilapon ang tubig sa muka, kalat hanggang balikat at dibdib, walang paki kahit mabasa ang damit.
Isa pa, sinubukan kong maghilamos ng tubig ng kung paano pinapakita sa commercial. Kung pano nila ginagawa. Aba! bago sumakto sa muka ko ung tubig na tinatapon ko, basang basa na ang sahig. nag-aaksaya pa ako ng tubig. Sayang. Tapos hindi naman matanggal lahat ng nasa muka ko eh. andun parin yung bula. Syempre kailangan kuskusin pa rin ng kamay ng muka sa pagririnse di ba. There should be hand-face-water contact, hindi water-face contact lang. Kailangan syempre ng pagkuskos to better rinse your face.
My point is, just be real. Oo magandang tingnan sa TV ung paraan ng pagririnse pero hindi makatotohanan. Kung ang commercials nyo hindi makatotohanan, pano nyo paniniwalain ang mga consumers na makatotohanan din ang mga produktong inaadvertise nyo. Am I making sense?
Walang kwenta. Nagsayang ka lang ng kuryente sa pagpost mo nyan. Mas mahal ang kuryente kaysa sa tubig! Hahahahahaha peace jorge :D
TumugonBurahinhahaha. mayaman ako sa kuryente!!! sa tubig hindi! haha
TumugonBurahin