Biyernes, Mayo 2, 2014
Jollibee Chickenjoy - Legs lagi?
Bakit nga ba sa dinami-rami ng commercials ng Jollibee, kapag chickenjoy, ang model chicken part nila ay LEGS NG CHICKEN? Eh sa katotohanan naman, ito ang pinakaayaw na part ng mga consumers.
Unang una, ang laki-laki ng buto kasing laki pa ng laman.
Pangalawa, ito yung part ng chicken na kadalasan ay hindi luto yung loob malapit sa buto. Yun bang minsan ay may dugo-dugo pa XD haha
tapos syempre, ANG UNTI NG LAMAN.
Sa mga kaklase ko nga, pag bibili kami, either thigh or breast, kasi malalaman at malalaki talaga! Pero masarap din ang wings kasi malutong at masarap kahit ang buto pwedeng kainin!:)
Siguro marketing strategy to ng Jollibee para nga mas magustuhan ng mga tao ang LEGS kasi ito nga yung parang black sheep ng mga chickenjoys!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento