Miyerkules, Abril 30, 2014

Commercials sa Philippine TV



Kung dati ay kinaiinis ko ang panunuod ng Philippine TV habang matagal ang commercial, ngayon ay kinatutuwa ko na rin ang panunuod nito. Alam mo bang maraming naglipanang commercial sa Philippine TV na nakakasura, parang hindi pinag-isipan at parang ginagawang bobo ang mga consumers?

Hindi ba, ginawa ang mga commercials dahil ito ang isa sa pinakamaimpluwensyang pamamaraan ng pagpapaabot ng isang ideya sa mga manunuod. Isa rin itong istratehiya upang maendorse ang iba't - ibang produkto at serbisyo sa halagang sobrang mahal per segundo kung saan dito kumikita ang mga TV networks. Sa pagtagal ng commercial, paglaki syempre ng bayad.

Nakakatuwang pansinin at punahin ang mga pinakasimpleng bagay sa isang commercial, mula sa taong gumaganap, sa mga salitang binibitawan, sa gamit na ginagamit, sa temang pinapakita, sa musikang tinutugtog, at sa mga tinatagong ideya. Kumbaga may punch line rin ang mga commercials na minsan ay hindi napapansin ng mga manunuod.

May tatlong uri ng taong nanonood ng mga commercials, ang mga WAPAKELS, UTO-UTO at VIGILANTE. Ikaw, sino ka sa mga manonood? 

Napansin mo na ba ang mga napansin ko? 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento